“Mamahalin kita hanggang gumuho at matuyo ang lahat ng karagatan sa buong mundo.”
Mag-best friends lang sina Zerri at Ralph. Hindi nila nakikita ang isa’t isa bilang isang babae at isang lalaki na magkakatuluyan balang-araw.
Pero isang araw, bigla na lang naging aware ang puso ni Zerri sa lakas ng appeal at kaguwapuhan ng kanyang best friend na si Ralph. At tuwing malapit ito, gano’n na lang ang lakas ng tibok ng puso niya.
At natatagpuan na lang ni Zerri ang sarili na nagde-daydream sa lalaki—she must have gone crazy!
At ang mas ikinaloka niya ay nang humingi si Ralph ng favor— pakasalan daw niya ito!