“Pain isn’t always a bad thing.”
Akala ng marami, patay na si Maxpein, pero buhay na buhay pa rin siya. Hindi niya rin akalain na mababago ang consequence ng kasalanang nagawa niya. Pero pagkatapos ng ilang taon, may isa pa siyang kailangang harapin na consequence—ang pagpapaliwanag sa mga taong malapit sa kanya, lalo na kay Deib dahil sa hindi niya pagpapakita nang matagal.
Alam ni Maxpein na hindi ganoon kadali ang lahat, pero umaasa siya na makalipas ang ilang taon, siya pa rin sana ang nasa puso ni Deib. Pero hindi pala iyon ganoon, dahil nakuha na yata uli ni Kim ang puso ng lalaking pinakamamahal niya.