Kasiya-siya ang mamuhay sa Baryo Silid. Ang mga naninirahan doon ay masaya dahil sila ay nagmamahalan at nagtutulungan sa iba't ibang gawain. Ngunit nabago ang kalagayan ng baryo nang magpunta at manirahan doon si Sapatos. Nag-imbento si Sapatos ng hindi magagandang kuwento tungkol sa mga tagaroon na ikinalat niya.
Alamin sa kuwentong ito ang naging bunga ng hindi kanais-nais na gawi ni Sapatos, gayundin ang dulot ng pagkakalat ng tsismis.