“I’m scared of leaving you, of losing you… But we won’t accomplish anything by being scared. Instead, we should seize the moment and be happy with whatever time fate had given us…”
Namatay sa mismong araw ng kasal nila ang boyfriend ni Claraine; sino ang hindi magkakadurog-durog ang puso at matutulala sa matinding pighati?
Nagpipilit naman siyang mag-move on. Ayaw lang niya iyong minamadali, kinukulit, at inirereto sa kung sino-sino. Iyon mismo ang ginagawa ng mga nakapaligid sa kanya. Kaya sa bandang huli, nang hindi na niya matiis ang pagkaaligaga ng mga ito, pinili niyang sandaling lumayo.
Inaalat nga lang yata talaga si Claraine dahil sa isang lumang bahay na may multo siya napadpad. Pero hindi ordinaryong multo ang natagpuan niya kundi isang guwapong multo: si Keith. Kaluluwang ligaw ang peg nito. As in literal na naliligaw dahil hindi raw alam ni Keith kung saan ang paroroonan o ang dapat gawin.
Ewan kung dahil pinaluwag na ng matinding dalamhati ang mga turnilyo ni Claraine, natagpuan na lang niyang nakakagaanan na ng loob ang guwapong multo. Sa paraang hindi niya inasahan ay nakatulong si Keith sa kanyang paghihilom. Hanggang sa… parang napapamahal na ito sa kanya.
How crazy was that? She asked herself. Crazier than she thought, she soon realized. Dahil kahit alam niyang malabong may paroonan ang pagtingin niya kay Keith ay nagpaka-in love pa rin siya sa lalaki. Kesehodang sa mental hospital siya pulutin pagkatapos.