“Ayokong may nginingitian kang ibang lalaki. Kahit tingin ayaw ko. Pero ano ba ang karapatan ko? Best friend mo lang naman ako.”
Alexander Cabrera or Lex was Marian’s best friend since high school. Kapitbahay, kaklase. Wala yatang sandali na hindi sila magkasama. Kaya naman lahat ng bagay na may kinalaman sa bawat isa ay alam nila.
Palibhasa gwapo ay maraming naging girlfriends si Lex. Saksi si Marian kung gaano karaming babae ang dumaan sa buhay nito.
Pero ang espiritu nga raw ng alak ay walang sinasantong kaibigan. Kaya walang pagsisising ibinigay ni Marian ang pinakaiingatan niya kay Lex. May nawala man sa katawan niya, naging kompleto naman ang kanyang kaligayahan.
Last night was a spectacular night. Pero ang nakakagulat, pagkatapos nang gabing iyon, she was suddenly a stranger to him!