“I’m looking for the girl who took my heart. Hinahanap ko siya. Mula kasi nang ipagtabuyan niya ako ay hindi na muling nabuo ang buhay ko. Paano, dala-dala niya ang puso ko.”
Monique Evangeline Castro would describe her life as simple— walang boyfriend, walang komplikasyon. Ayaw niyang matulad sa kanyang mommy na miserable at kung hindi lang siya saksi sa pagmamahalan ng kanyang lolo’t lola ay baka tuluyan na siyang hindi naniwala sa existence ng true love.
Airon Gallant was the lead singer of Phoenix, one of the most famous bands in the world. He had everything that a man could ask for—looks, talent, fame and money. Women were after him and they would do everything just to get his attention. Pero hindi siya kilala ni Monique bilang miyembro ng Phoenix. Ang kilala ng dalaga na Airon ay isang ordinaryong lalaki na humingi rito ng tulong.
Mula naman nang araw na tinulungan ni Monique si Airon ay hindi na nawala ang lalaki sa kanyang isip. Inakala niyang hindi na ito muling makikita. Hanggang isang araw ay bigla na lang sumulpot si Airon—at sa katabing condo unit pa niya nanirahan. Sa pangyayaring iyon ay nagsimulang magbago ang kanyang buhay.
Hanggang sa matuklasan ni Monique na hindi pala ordinaryong tao ang lalaking nagugustuhan. Napakarami niyang kaagaw sa binata at worlds apart ang pagkakaiba ng kanilang mga buhay.
Would she just accept the fact that two different worlds would never become one?