Tatlo sa pinakamayayaman at pinakamakapangyarihan sa bansa ang matatalik na magkaibigan at magkakasosyo sa negosyong sina Ash McIntyre, Jace Crestwell at Gabe Hamilton.
Wala nang makapaghihiwalay pa kina Gabe at Mia habang si Jace ay patuloy na walang balak na ibahagi ang pinakamamahal nitong si Bethany sa kahit sinumandahilan upang makaramdam ng kahungkagan si Ash.
Hanggang sa makilala ni Ash si Josie, isang babaeng tila walang interes sa karisma at kayamanan ni Ash. Kasalukuyang nasa isang relasyon si Josie pero wala sa plano ni Ash na pakawalan pa ito. Wala pang babaeng tumatanggi sa kanya. Lahat ng gustuhin ni Ash ay matagumpay niyang nadadala sa kama.
Mapapasakanya si Josie sukdulang gumamit siya ng panlilinlang.