Hi, CUSTOMER!

Example: books, shoes, fashion, romance, novels, etc.

loading shopping cart...

1

PPS00006 : Veakaria Book 1: Andrei, Ang Itinakwil Na Anak Ng Tenon

price
PHP 119.00
AVAILABLE ON STOCKS
AVAILABLE
Author
Vanessa
Weight
200g
reviews & ratings
0 review
  • 5 stars (0 vote, 0%)
  • 4 stars (0 vote, 0%)
  • 3 stars (0 vote, 0%)
  • 2 stars (0 vote, 0%)
  • 1 star (0 vote, 0%)
social media
  • Currently there are no reviews on this product.

We want to know your opinion!

Please login or register to post your review.

“Masaya ako kapag kasama kita… Masayang-masaya. At matagal na mula nang huli akong naging masaya.”

 

Walang tiwala si Alexandra sa mga bampira. Ngunit kailangan niya ang tulong ng isang bampira upang iligtas ang kanyang nobyo mula sa piitan na mula nang itayo ay wala ni isang bilanggo ang nakatakas. Si Andrei ang bampirang iyon—guwapo, arogante, babaero. Dinala ni Alexandra si Andrei sa Veakaria, ang kanyang mundo, at lugar kung saan isinumpa ang mga tulad nito. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang malakas at makapangyarihang bampira ay nakadama ng panghihina. Nagalit ito sa kanya nang husto. Paano pa niya makukumbinsi ito na samahan siya para sa isang imposibleng misyon? At bakit sa kabila ng galit niya sa kaarogantehan nito ay hindi niya maiwasang mapansin maya’t maya ang kaguwapuhan nito? Ang kaharian ng Veakaria ang pinagmulan ng unang sibilisasyon ng mundo. Binubuo ito ng limang estado—Zaskidav, ang kabisera kung saan naroon ang palasyo ng hari; ang Lamia, na kilala para sa pisikal na kagandahan ng mga mamamayan at lokasyon din ng pamosong kulungan ng mga nagtaksil o gumawa ng krimen sa mga pinuno ng kaharian—ang Tartaros; Galen, kung saan mayaman ang karagatan; Peri Ev, kung saan naroon ang Kagubatan ng Peri na tahanan ng mga diwata; at Tenon, ang estadong may itim na kagubatang isinumpa ng isang makapangyarihang salamangkera. Sa itim na gubat o “Nit Dreb” ay walang salamangkang maaaring gamitin, walang bungang maaaring kainin, at walang liwanag na matatanaw kahit umaga. Iyon ang dahilan ng pagbagsak ng minsan ay maunlad na estado ng Tenon. Noong unang panahon, walong uri ang mga nilalang na nakatira sa Veakaria—ang mga salamangkero, elfo, duwende, xotikó, taong-lobo, bampira, diwata, at mga ordinaryong taong walang taglay na salamangka. Nakita ng reyna noon na si Astraia ang pagsasamantala ng mga may salamangkang nilalang sa mga ordinaryong tao at dahil sa pagmamahal at awa ay itinaboy niya ang mga ordinaryong tao sa lugar kung saan walang salamangkang maaaring makapanakit sa mga ito. Ang lugar na iyon ay tinawag na “Nador Theal” o “Damned Land” na mas kilala ng mga ordinaryong nilalang bilang “mundo.” Sinelyuhan ni Reyna Astraia ang hangganan ng Veakaria at Nador Theal at magmula noon ay wala nang taga-Veakaria ang maaaring makapunta sa Nador Theal nang hindi nauubos ang salamangka sa katawan, at wala ring taga-Nador Theal ang maaaring makarating sa Veakaria nang walang kasamang taga-Veakaria. Wala ring anumang makabagong instrumento ng mga taga-Nador Theal ang maaaring makakita sa Veakaria mula sa mapa o radar ng mga ito. Gayunman, paminsan-minsan ay may mga kakatwang pangyayari sa Nador Theal na nagsasabing may lugar at mga pangyayaring sadyang hindi makita at maanalisa ng modernong teknolohiya at hindi rin magawang ipaliwanag—tulad ng paglalaho ng mga barko o anumang sasakyang-pandagat nang walang iniiwang bakas, o mga indikasyon ng mas maagang sibilisasyon sa kasaysayan. Walang ideya ang mga ordinaryong tao ng mundo na nagmula ang mga ito sa Veakaria, bagaman makikita sa mga mito at alamat ng mga ito na buhay pa rin ang alaala ng Veakaria hanggang sa kasalukuyang panahon. Ilang daang taon pagkatapos maselyuhan ang Veakaria, isinumpa at ipinatapon naman ng isang hari ang mga bampira at taong-lobo patungo sa Nador Theal. Manghihina na ang mga ito kung mananatili ang mga ito sa Veakaria kaya lumisan ang karamihan sa mga ito. At muli, ang mga nilalang ng Veakaria ay nabawasan at ang tanging nanatili ay ang mga salamangkero, diwata, elfo, at ang pinsan niyong duwende. Ang hari o reyna ng Veakaria ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa buong kaharian sapagkat narito ang susi sa baul ng salamangkang walang hanggan. Gayunman, may isa pang susi para sa baul ng salamangka at iyon ay isang susi na may limang bahagi, at bawat bahagi ay ipinagkakatiwala sa pinuno ng bawat estado. Limang bahagi, limang pinuno, limang estado—isang susi.

Recommendations

Total Price: PHP 457.75

PPS00017 - Angel Dust Trilogy 3: Rav, PHP 179.75

PPS00025 - Diary Ng Chubby, PHP 139.00

PPS00038 - Remembering Sunday, PHP 139.00

Order Now

PHP 119.00
Quantity

Top Seller


SiteLock