Hi, CUSTOMER!

Example: books, shoes, fashion, romance, novels, etc.

loading shopping cart...

1

PHR05965 - Sayaw Para Sa Dalawa

price
PHP 42.00
Precious Pages Bookfest 2021 v4 discount is less than 30%
PHP 29.40
AVAILABLE ON STOCKS
AVAILABLE
Author
Daniella Ignacio
Weight
75g
reviews & ratings
0 review
  • 5 stars (0 vote, 0%)
  • 4 stars (0 vote, 0%)
  • 3 stars (0 vote, 0%)
  • 2 stars (0 vote, 0%)
  • 1 star (0 vote, 0%)
social media

 

  • Currently there are no reviews on this product.

We want to know your opinion!

Please login or register to post your review.

Mabilis lang ang halik. Pero ang mga sumunod na pangyayari ay naging mabagal para kay Vincent. Ramdam na ramdam niya ang bawat paghinga, ang bawat pintig ng puso, at ang pagkalat ng init sa katawan.

Hindi maalis ni Vincent sa isip niya si Mika mula nang makita itong sumasayaw sa parehong dance studio kung saan din nagpa-practice ang Mad Clown. Ikinaila nga lang niya sa harap ng mga kagrupo ang panonood kay Mika dahil ayaw niyang mapagtawanan. 
Pero dahil aminadong nagkaka-crush na kay Mika at gusto itong muling makita, pinuntahan pa rin niya ang dalaga sa nirerentahang dance studio room. Pero nangyari ang hindi niya inaasahan. Siya ang naging dahilan ng pagkakaaksidente ng ka-partner ni Mika sa sasalihang dance contest.
“S-sorry,” nauutal na sabi ni Vincent. Isinangga pa niya ang dalawang kamay sa takot na bigla na lang siyang sakmalin ni Mika. Nakakatakot pala ito kapag ganoong sobrang nagagalit. “H-hindi ko naman sinasadya. Malay ko bang nasa likod siya ng pinto. Malay ko rin bang mapapatid siya ng paa ko. Hindi ko kasalanan—”
“Ikaw ang bago kong dance partner.”
“Ha?” Napamaang si Vincent. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin ni Mika.
“Sumasayaw ka, `di ba? Dahil sa `yo kaya wala na akong partner ngayon. Kaya’t sa ayaw mo at sa gusto, sasamahan mo akong sumayaw.”
Napatulala siya. Totoo ba ang naririnig niya?
“Hindi ka puwedeng tumanggi. Kasalanan mo ang lahat ng ito, kaya dapat lang na gumawa ka ng paraan para maayos `to.”
Hindi alam ni Vincent kung magugulat o magtatatalon sa tuwa dahil parang tadhana na ang tumutupad sa kanyang gusto na makasama si Mika. Sa huli ay tumango na lang siya na parang wala sa sarili.

Recommendations

Total Price: PHP 93.80

PODS00003 - Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido Series 3: Hearts Never Lie, PHP 35.00

PHR05781 - Under Your Spell, PHP 29.40

PHR05782 - Her Lucky Star, PHP 29.40

Order Now

PHP 29.40
Quantity

Top Seller


SiteLock