“Ganoon yata talaga ang pag-ibig. Daig pa ang kabute, masahol pa sa kidlat. Basta na lang sumusulpot, biglang tumatama. At kahit ano’ng gawin natin, hindi natin mahaharangan…”
May misyon si Cyrene: ang maging dakilang espiya. Para magampanan iyon ay kailangan niyang magpanggap na alalay ni Jed para masigurong hindi mapupunta sa lalaki ang mga kompanyang iiwan ni Don Manuel, ang lolo ni Jed.
Naging mahusay siya sa pagtupad sa misyon. Pero nang matitigan siya ni Jed, hindi lang kaluluwa niya ang nayanig, pati paninindigan.
Hanggang pati si Cyrene ay tablan na ng kamandag ng binata sa mga babae. Pero paano na ang kanyang misyon? At ang mas malaking problema, saang kangkungan siya pupulutin kapag nalaman ni Jed na minsan ay nagkaroon siya ng pansariling motibo sa paglapit dito?