“I’ve fallen for you long before I realized it. I can’t tell you the exact hour and date. I just knew that I love you like it’s the most normal thing to happen.”
No strings attached. Iyon lang ang mayroon sina Anna at Lindt. Hindi kailangan ng seryosuhang usapan; ie-enjoy lang nila ang company ng isa’t isa. Kapag tapos na ang bakasyon ni Anna sa probinsiya ng kanyang ama kung saan niya nakilala ang binata, it could be good-bye for them as well.
Isa pa, alam ni Anna na may isang babae na hindi makalimutan ni Lindt—his first love and greatest heartbreak, dahil ni minsan ay hindi nagawa ng binata na makapagtapat dahil lagi itong nawawalan ng chance.
Masaya ang samahan nina Anna at Lindt. Walang pressure. They were like the best of friends who could talk about anything and everything. They shared hot kisses and made love passionately like real lovers.
Pero inevitable nga yata ang good-bye. Mukhang dumating na ang chance na napakatagal nang hinihintay ni Lindt.
Handa na ba si Anna na i-let go ang binata?