“Alam mo ba kung gaano kahirap `yong katabi lang kita pero ni hindi kita mahawakan? `Yong araw-araw kitang nakakausap pero hindi ko masabi-sabi ang totoo kong nararamdaman? Alam mo ba kung paanong pagtitiis ang ginawa ko para lang magpigil na yakapin ka at halikan?”
Magnet si Paige ng complicated relationships. Men came into her life and they always left her. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na baka nasa kanya ang problema, na baka masyado siyang possessive o clingy. Ayaw na niyang masaktan kaya ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na uli magmamahal.
Pero tinabihan siya ni Glenn sa bar, nginitian at kinausap. Kung kailan gusto na niyang magbagong-buhay ay saka pa siya binigyan ng tuksong kasingguwapo ni Glenn, ang pinakaperpekto na yatang lalaking nakilala niya.
Glenn was her exact opposite, at ito na yata ang lalaking sa wakas ay hindi na mananakit sa puso niya. Glenn was good for her; pinasasaya nito ang kanyang puso.
Pero hindi lang pala siya ang napaibig at napasaya ng binata. Mahal din ito ng perpekto niyang kapatid na gusto niyang pasayahin.
Paige had to choose between her own happiness and her sister’s…