“I love you so much I don’t know how to hate you.”
Presea never believed in love stories and happy endings. Nabuhay kasi siya sa marahas na realidad. Hanggang isang araw, dumating ang hindi niya inaasahang Prince Charming, none other than billionaire boy Vash Illustre. Agad na nagbago ang pananaw niya sa lahat ng bagay. “I’d like to be your boyfriend,” sabi nito. “For real. Would you take me?” Isang tumataginting na “oo” ang agad na isinagot ni Presea. Dahil sa unang pagkakataon, naniwala siya sa pag-ibig. Kaya kung magising man sa panaginip na iyon, wala siyang pagsisisihan na kahit ano.